December 8, 2011

Time Limit

May mga pangyayari na masarap isipin at balik-balikan. Ngayong tinitingnan ko ang mga dating usapan at kwentuhan natin sa text o sa YM, nami-miss ko talaga ang mga panahong iyon na lumipas na. 


Ano kaya nangyari at biglang nagbago ang tadhana nating dalawa? Masyado ba kong nagparaya at umintindi sa mga nangyari sa atin na naging bato na ko? Bakit di na natin kayang ibalik ang dating tayo na masaya, may kilig,  may lambing, may pagma-mahalan, may planong magsama habang-buhay? 


Manhid na rin yata ako. Hindi na siguro ako yung nakilala mo nun. Napagod na rin kasi ako sa'yo. Nakaka-pagod magbigay ng effort sa isang tao na hindi rin naman ginagawan ng effort ang sarili nya. Bato na ako na parang kahit anong gawin nating dalawa sa isa't isa, parang wala na lang. Parang tropa na lang.. 


Tulala nanaman ako. Nakikitawa kasama mga kaibigan ko (at kaibigan mo). Pero di maalis sa isip ko kung ano na ang dapat nating gawin. Sabi mo kailangan mo ko, pero ano na ba nagawa mo para hindi ako mawala sa'yo?


Lahat ng bagay mag hangganan. Ganun din ang tao. Ganun ako. 


Pero sana ikaw na ang gumawa ng paraan para sa ating dalawa. Kasi hindi ko na kayang gumalaw pa. 


Nakaka-inis. Nakaka-iyak. 

No comments: