September 19, 2010

Ha? (Nyoy Volante)

Alam mo bang nung una kang makita
pinangarap kaagad
buhay ko'y masaya kapiling ka
lagi nang tulala sa kaiisip
balang araw maaangkin kita
alam mo bang ika'y aking aalagaan
sobrang mamahalin
di pagsasawaang ituring kang
parang prinsesa
kung papayagan sana, pwede ba?

::Chorus:: 
 
Akin ka na lang ha?
sige na naman ha, please
kailangan ko'y ikaw lagi
araw-araw, gabi-gabi
akin ka na lang, ha?
sige na naman, ha?
please naman
huwag mo ng pag-isipan
sige na, sige na
akin ka na lang, ha? 
 
Alam mo bang
alam ko na kung pano magmahal
ng tunay at tapat
ibibigay lahat
lumigaya ka lang
lahat ng hilingin aking ibibigay
makuha lang tamis ng iyong pagtingin 
 
Akin ka na lang ha?
sige na naman ha, please
kailangan ko'y ikaw lagi
araw-araw, gabi-gabi
akin ka na lang, ha?
sige na naman, ha?
please naman
huwag mo ng pag-isipan
sige na, sige na
akin ka na lang, ha?

halos minu-minuto
sa panalangin ko'y ikaw
ang aking mayayakap
kapag giniginaw
sige na, sige na
akin ka na lang 
 
Akin ka na lang ha
sige na naman ha, please
pakiusap lang naman kailangan ko'y
ikaw lagi araw araw, gabi gabi
akin ka na lang ha?
sige na naman ha, please
kailangan ko'y ikaw lagi
araw-araw, gabi-gabi 
 
Akin ka na lang, ha?
sige na naman, ha?
please naman
huwag mo ng pag-isipan
sige na, sige na
sige na, sige na
akin ka na lang, ha? 
 
Sige na, sige na akin ka na lang, ha?

Kung Akin Ang Mundo (Eric Santos)

Kung ako ang may-ari ng mundo,
Ibibigay lahat ng gusto mo,
Araw-araw pasisikatin ang araw,
Buwan-buwan pabibilugin ko ang buwan
Para sa'yo, para sa'yo

CHORUS:
Susungkitin mga bituin, para lang makahiling,
Na sana'y maging akin,
Puso mo at damdamin,
Kung pwede lang, kung kaya lang,
Kung akin ang mundo,
Ang lahat ng ito'y iaalay ko sa'yo...

Kung ako ang hari ng puso
Lagi kitang pababantay kay kupido,
Hindi na luluha ang 'yong mga mata,
Mananatiling may ngiti sa 'yong labi,
Para sa'yo, para sa'yo,

REPEAT CHORUS

September 16, 2010

Men Vs. Women

"Men need assurance in a relationship. Women needs security."

I heard this over the radio while I was on my way home. It made me think how can you show assurance and provide security? Seriously, both male and female would say that they are not properly cared for, or their partners just don't understand them, they love the person but why can't they be like the rest of the normal men/women of the world? Etcetera...

Men and women disagree with a lot of things.. but can't live without the other.

Share your thoughts :)

September 9, 2010

10-05

Ewan ko ba ngunit kahit ganyan siya,
Minamahal ko siya, wala nang hahanapin pa
Kahit ano’ng sabihin ng iba, sinasamba ko siya,
Minamahal ko pa, walang kaduda-duda,
Wala nang hahanapin pa

September 2, 2010

Something to Think About

Sa pagibig...di mahalaga ang nakaraan kundi ang kasalukuyan... mas matimbang ang karanasan kaysa sa sakit na pinagdaanan.. ang tanging magpapatatag dito ay kapatawaran at hindi ang pagsumbat sa kasalanan...

- a quote I found in Facebook.

September 1, 2010

Isang Malalim na Buntong Hininga

Tititigan na lang ang pangalan mo.

Pilit pa ring iniisip ka kahit litung-lito na sa trabaho. Nagmumuni-muni pa rin sa ating mga alaala kahit tambak na ang pasabog sa lamesang kinalalagyan. Sanay na ko siguro sa ganitong uri ng sitwasyon. Sabay-sabay na gagawin ang lahat ng bagay para lamang matapos ito. Pero hinahanap pa rin ang mga dating pagkakataon na nagpapangiti sa akin. Tulad na lamang ng mga kwelang mensahe mo.

Ngayon tititigan na lang ang pangalan sa telepono. Nagtataka kung ano ang ibig sabihin ng text na blangko. Naiisip mo rin ba ako? O nadapa lang ang daliri sa pangalan ko at di sinasadyang napindot ang send. Pero kahit ano pa man ang gustong iparating ng mensaheng iyon, ikaw pa rin yan.

Nararamdaman ko ang unti-unting pag-buo ng luha sa mga mata. Ang pakiramdam na gustong umiyak pero di mahanapan ng dahilan. Ang dami kong naiisip tungkol sa'yo, tungkol sa atin... gusto ko nang ibalik ang nakaraan. Mga panahon na sobra mo kong napasaya. Sana kung nairecord na lang yun, mas alam ko na ang gagawin ko ngayon.

Naiisip mo kaya ako tulad ng pag iisip ko sa'yo? Sana nga...