Tititigan na lang ang pangalan mo.
Pilit pa ring iniisip ka kahit litung-lito na sa trabaho. Nagmumuni-muni pa rin sa ating mga alaala kahit tambak na ang pasabog sa lamesang kinalalagyan. Sanay na ko siguro sa ganitong uri ng sitwasyon. Sabay-sabay na gagawin ang lahat ng bagay para lamang matapos ito. Pero hinahanap pa rin ang mga dating pagkakataon na nagpapangiti sa akin. Tulad na lamang ng mga kwelang mensahe mo.
Ngayon tititigan na lang ang pangalan sa telepono. Nagtataka kung ano ang ibig sabihin ng text na blangko. Naiisip mo rin ba ako? O nadapa lang ang daliri sa pangalan ko at di sinasadyang napindot ang send. Pero kahit ano pa man ang gustong iparating ng mensaheng iyon, ikaw pa rin yan.
Nararamdaman ko ang unti-unting pag-buo ng luha sa mga mata. Ang pakiramdam na gustong umiyak pero di mahanapan ng dahilan. Ang dami kong naiisip tungkol sa'yo, tungkol sa atin... gusto ko nang ibalik ang nakaraan. Mga panahon na sobra mo kong napasaya. Sana kung nairecord na lang yun, mas alam ko na ang gagawin ko ngayon.
Naiisip mo kaya ako tulad ng pag iisip ko sa'yo? Sana nga...
No comments:
Post a Comment