Nakita ko lang may picture pala kami ng ex ko sa isang Multiply site ng kaibigan namin. Dalawang taon na rin ang nakaraan matapos nyang pag pira-pirasuhin ang damdamin ko. Ngayon wala na yun sa akin. Wala na rin sya sa buhay ko. Ganap nang kinalimutan. Ngunit minsan hindi rin maiwasan ang mga pagkakataon na madaanan ang isang photo album at dun makita ang dating masayang araw na pinagsamahan. Naalala ko rin na napanaginipan ko sya at gusto nya kong yakapin pero pilit akong umiwas. Naka-ngiti pa rin sya nun. Kung ano man ang ibig sabihin ng panaginip na yun, di ko na inalam. Kahit anong limot pa rin natin sa isang tao o sitwasyon, meron pa ring tirang alaala na dadaan at mawawala na kasing bilis ng pagdadaan nito sa isipan.
No comments:
Post a Comment