March 28, 2008

Alay Lakad

Nilakad ko mula Espanya/Blumentritt hanggang dun sa bahay ko sa Alejos malapit sa Calamba. Kung alam nyo yung lugar na yun, sinasabi ko sa inyo, malayo sya. Pano naman kasi, ang galing nung sinakyan kong FX... di na daw sila aabot ng Mayon, kaya ayun, bumaba na lang ako sa Espanya/Blumentritt. Nung una naisip kong mag taxi... try ko rin mag tricycle. Ewan ko ba kung ano nakain ko at naisipan ko na lang mag lakad. Ayun, naka black dress ako at wedge shoes... isang babaeng parang nawawala sa Blumentritt at naglalakad. Ang dami na ngang lalaki yung nakatingin sa akin... pero keme... lakad pa rin kahit pawisan na. Along the way, nakita ko yung bahay nung dating kaklase ko nung gradeschool.. at nakita ko pa yung mommy nya! At nakilala pa ko!! :D Sa hitsura kong yun (naka dress at pawisan) aba eh nakilala pa ko?? Ang tagal ko na silang di nakita. Dun ko nalaman na yung kaklase kong yun, stewardess na pala. Swerte nga daw at nakaka travel yung anak nya. Kamustahan, chika, at praises.. etc.. Nakaka tuwa lang isipin na may makakasalubong pala ako na isang taong sobrang tagal ko nang di nakikita at di ko pa close yung pamilya. Nakaka miss lang..

Ayun.. ang mga exploits ko.. Pero masarap mag lakad. Kung pwede lang maglakad mula Makati hanggang bahay ko sa QC, gagawin ko (feeling ko malapit ko nang gawin...).

Bahala na kung ano mangyari. Aayusin ko muna bihis ko nun haha. Haay... ang nagagawa nga naman ng isang sawi... Este... isang pagod na sa trabaho... pinapagod pa lalo ang sarili :

4 comments:

dall yu said...

kamusta nmn ang paa wahahahahaha

L.A. Nieto said...

grabe ka naman!! next time, bring your running shoes :D

Azy Salire said...

haha okay lang kasi wedge shoes yung gamit ko... kaya parang "flat" na rin :P yung hitsura ko yung kamustahin mo haha

Azy Salire said...

hindeee planado na yun!! magdadala talaga ako ng damit at sapatos na maayos na pwede kong pang lakad mula Citibank Makati hanggang Alejos sa Quezon city bwahahaha!! :D