February 14, 2008

Busy si Kupido

To the CA3p people... I hope you can still remember the class we had with Sir Bong Lopez during Media Law and he shared this poem with us after one serious discussion. I remember him saying he has had this poem since college and he reads it to a special class every year during Valentines day:

Tula ni Rico Abelardo (Pebrero 14, 1990)

mangyari lamang ay tumayo
ang mga nagmamahal
nang makita ng lahat
ang kagandahan ng mukha ng pag ibig
ipamalas ang tamis
ng malalim na pagkaka unawaan
sa mga malabo ng paningin

mangyari lamang at tumayo rin
ang mga nagmahal at nasawi
nang makita ng lahat
ang mga sugat ng isang bayani
ipadama ang pait ng kabiguan
habang ipinagbubunyi
ang walang katulad na kagitingan
ng isang nagtaya

mangyari lamang ay tumayo
ang mga nangangambang magmahal
nang makita ng lahat
ang kilos ng isang bata
ipamalas ang katapatan ng damdamin
na pilit ikinukubli
ng pusong lumaki sa mga engkanto at diwata

mangyari lamang ay tumayo
ang mga nagmahal, minahal at iniwan
ngunit hindi pa ring magmahal
nang makita ng lahat ang yaman ng karanasan
ipamalas ang katotohanang nasaksihan
nang maging makahulugan
ang mga paghagulgol sa dilim

at sa mga nanatiling naka-upo
mangyari lamang ay dahan-dahang tumalilis
papalabas sa nakangangang pinto
umuwi na kayo
at sumbatan ang mga magulang
na nagpalaki ng halimaw

at sa lahat ng nakatayo
mangyari lamang ay hagkan ang isa't isa
at yakapin ang mga sugatan
mabuhay kayong lahat
na nagssikap na makabalik sa ating pinagmulan
manatiling masaya
at higit sa lahat, magpatuloy sa pagmamahal.

I share this to everyone here as we celebrate Valentine's Day 2008. After reading the poem, I ask you this question:

... ano, tatayo ka ba? :)

4 comments:

Lorenzo Te said...

tatayo :)
wow.. pwede bang irepost yan? :)

Azy Salire said...

sure :) ganda ng poem no? :) sobrang natuwa ako sa prof ko dahil sa gift nyang yan sa amin :)

haha.. i remember nagtitinginan yung mga classmates ko nung binabasa nya yan eh.. di alam kung seseryosohin ang sinasabi sa tula.

pero ako, tatayo rin haha :D natuto na :P

Lee Ann said...

wow.. nice... tatayo din ako!!hehe :P

pa-copy ha? post ko lang sa other website..hihihi thanks baby! muaah

Azy Salire said...

no problem mahal ;) disclaimer lang, hindi ako yung gumawa nyan haha :P I wish. muah!!