November 8, 2007

The X factor

this is the first time i'll speak up about him here.

i hate my ex. i hate him for what he called me, what he said, what kind of person he is now. i hate the idea that he wasted all the years of us being friends with a single, stupid message. but i don't care anymore whatever happened to him. i just feel like shouting it out.

i've moved on and i've never been happier. i threw away the pictures, the notes (i can't find the other love letters he wrote for me. those poor trees.. i'm wasting them away in a trash can...), the cards, the presents (except one. i like the outfit and i barely think that he gave it to me), the text messages, the capture moments and videos on the phone. it's like all the memories i've had with him is in one bin and im dumping them into the ocean of forgotten memories.

after throwing them away, i felt better, lighter. nothing to worry about anymore. and i've accepted the fact that i grew up, finally. the EX factor has already been crossed out. if i see him around, i guess he'll just be a passing memory. i can't believe how easily i can forget about him.

November 6, 2007

Unang Tagay Ngayong Nobyembre

Boring pala pag walang pasok, lalo na yung matagal na holidays. Wala akong ginawa sa bahay kundi maglaba, mag basa ng libro (ng mga kwento at istoryang ilang beses ko na rin nabasa), at matulog ng tatlong beses sa isang araw (akala mo pagkain). Gustuhin ko man lumabas pag gabi, di naman ako pinayagan ng magulang ko. Internet na lang at yung isda kong si Fishy-poo ang kausap ko (oo ako lang talaga mag isa sa bahay).

Naisip kong lumabas at maglakad sa kung saan (baka sa uste. gusto ko na makita yung mga ilaw sa lover's lane..kahit wala akong lover). Di lang natuloy. Baka sa susunod na lang na maisipan kong mag muni-muni mag isa.

Masaya mag lakad mag-isa. Titingnan ka nga lang ng mga tao ba't ka nagso-solo eh hindi pa naman Valentine's day. (okay biteresa..fine..)

Naalala ko may blog akong ginawa noon tungkol sa paglalakad mag-isa isang Biyernes ng gabi. Okay yung blog na yun. Kasalanan ng ex ko yung nangyaring yun pero maganda ang kinalabasan ng blog.

Ayun. Tapos na ang holidays. Sa katapusan pa ng Nobyembre ang susunod na long weekend. Pero kagabi, naisipan ng mga ka-opisina ko na mag inuman. Ang saya! Bonding session naming 121 gang (minus 1) ay laging nadadala sa inuman. Masarap pa rin ang frozen tequila sunrise (tama ba?), na isang pitchel, na inorder namin. Wala namang nalasing. Kwentuhan tungkol sa love-life, mga tao, at mga future gimiks ang usapan. Pero highlight ng gabi ay nung nakasabayan naming uminom ang MD namin! Sobra nakakatuwa (kahit medyo maubos-ubos ang ingles ko) kausap si Krish! Dami pala nyang kwento lalo na tungkol sa tradition ng Indians. Di ko na ilalagay ang mga pinag-usapan namin. Kung hindi ka nakasama kagabi, sorry ka na lang (uuy parinig :D). Pero siguradong may next time pa yun at si Krish na ang nagsabi na sasabay sya sa amin sa kwentuhan (dictionary... where are you...) at sa inuman.

Isang lagok ng frozen drink at lahat ng alaala ay nakalimutan na. Dapat tumagay pa ng isa. Kaso hayaan na nating lumutang ang panaginip kahit sandali. Sa susunod na matinding inuman na lang ito lulunurin. (ano to??)