October 21, 2007

Naglalaro lang si Kupido

Bata lang siya. Tulad ng ibang bata, pilyo at makulit. Pero kakaiba rin to. Kaya ka nyang pa-ibigin sa kung sinong tao ng hindi mo inaasahan. Patatalbugin ka nya, gagawin ka nyang tanga sa pag-ibig at sa buhay. Bibigyan ka niya ng sakit ng ulo. Pero kahit sobrang daming pahirap nya, magpapasalamat ka pa rin sa kanya. Bata lang naman sya eh. Ginagawa lang niya ang bagay na yun para naman mapasaya ka niya. Kung naka-simangot ka lang lagi, sigurado, makikipag laro siya sa'yo at lalabas din ang kapilyuhan niya. May isasama sya na kalaro niyo rin, at dun na yun magsisimula, yung magic nya. Hayaan mo, mag eenjoy ka namang kasama siya. At sigurado, mas mag eenjoy kang kasama yung isang kalaro nya.

No comments: