July 21, 2007

Writing on a blank piece of paper

Dahil sa'yo wala nanaman akong maisulat. Dahil din sa'yo, tulala nanaman ako at hinahayaan na lang mag tae ang bolpen ko sa puting papel. ni ang keyboard ko hindi nag iingay kasi wala akong maitype. gusto ko sanang gawing ikaw ang sentro ng isusulat ko kaso di ko alam kung san ako magsisimula. bakit kaya pagdating sayo, wala akong masabi? hindi ko alam pano magsisimula ng isang pangungusap sa isang talata para sa'yo.  pinilit kong magsulat kaso wala talaga. wala akong masabi. hindi ko alam kung pano ilalarawan ng maayos kung pano ako napapangiti na lang pag nakikita kita. sa sobrang kaba, yuyuko na lang ako para lang hindi mo makitang nakangiti na ako. ginawan na kita ng isang tula kaso nahihiya pa rin ako. may naka-basa na ng tulang yon. siguro iisipin mo, "buti pa yung iba nakabasa na ng tulang gawa mo". sa totoo lang, pati sayo naipakita ko na yun, di mo nga lang naisip na para sa'yo yung ginawa ko. di ko alam kung manhid ka lang talaga o kulang pa yung ginagawa ko. mahirap din kasi akong intindihin eh. gusto kita kaso nahihiya akong sabihin sa'yo. akala ko nung una alam mo na pero hindi mo pa rin pala gets yung sinasabi ko.

Bakit kaya lagi na lang speechless ako pagdating sa'yo? Pati ibang tao nagtatanong na sa akin. Akala mo naman isa akong directory, hinahanap ka nila. Kungdi ka man hanapin sa akin, magtatanong tungkol sa ating dalawa. Yun ang malabo. Wala namang "tayong dalawa" di ba? Sa hitsura mo pa lang pag binibiro nila, kumpirmadong wala nga. Ako lang siguro yung nagiisip na sana, kung kelan man yun, naisip mo ring may gusto ka sa akin. Kahit sobrang malabo ang pagkakataon na yun, siguro naman meron din.

Ayun, balik nanaman ako sa blangkong papel. dinrowingan ko na lang ng kung ano. Pero ikaw ang nasa isip ko habang ginagawa ko to. Kung exam to, bagsak na ko. Pass the papers na, wala pa rin..

No comments: