Pagod na ang mata sa pag-luha.
Pagod na ang isip sa pag-alala.
Pagod na rin ang puso sa sakit na nadarama.
Pagod nang maging isang problema.
Tinanggap na ang lahat, pinilit nang baguhin, pero di pa rin matinag ang katigasan ng puso. HIndi na ninais na ibalik ang nakaraan kungdi mag-bago na lamang ang hinaharap.
Pagod nang maghintay, ilang beses nang nagdasal sa itaas. Sana ako naman ang pagbigyan.
Magulo na ang isipan... sana mag-laho na lang akong parang bula.
No comments:
Post a Comment