January 27, 2010

Martir

"Paano ko nalalaman na nagmamahal na ko? Pag nasasaktan ako. Na kahit nasasaktan na ko, kaya ko pa rin syang mahalin."

Sabi ng marami, martir ka. Oo nga, totoo nagpapaka martir ka. Mas gusto mo bang nasasaktan? Iniisip mo bang kaya nya talagang bumawi sa'yo? Di mo ba talaga kayang mawala sya?

Ano ba talaga ang LOVE?

Ang love ay yung naiintindihan ka kahit sobrang init ng ulo mo. Yung tatahimik muna at makikinig bago ka magsalita. Love ay yung kahit naiinis na kayong dalawa, magkahawak pa rin ang kamay nyo pag kayo'y naguusap. Love ka nya kung lagi nyang iniisip ang kalagayan mo. Kahit sobrang daming ginagawa, makita lang ang picture mo, okay na sya. Love ay yung yayakapin ka pag gabing malamig. Maglalambing sa'yo kasi alam nya paano ka lambingin.

Love yung marunong humingi ng tawad. Yung nag sosorry ng totohanan. Yung hindi takot at ma pride na umamin na may kasalanang nagawa. Love yung may pangarap sa buhay, at yung pangarap na yun gagawin nyang lahat makamit lang nya at sisiguraduhin na makakasama ka sa pangarap na yun. Love yung hindi aangal sa mga request mo, papayagan ka kahit papaano sa mga gusto mo kasi minsan ka lang naman humingi. Di mo kailangan humingi ng oras sa taong mahal mo dahil pag love ka nun, lagi syang may oras sa'yo.

Ang Love yung kikilalanin ang mga kaibigan mo kahit ayaw nya sa kanila. Love yung gusto rin makilala ng maayos ang pamilya mo. Love yung may tiwala ang tao sa'yo kahit san ka pumunta. Love yung hindi insecure pag kasama mo ibang tao. Love yung makaka alala na bigyan ka ng kahit maliit na bagay para maipakita na naalala ka nya. Love yung hindi ka susungitan pag gusto mong maglambing. At lalo na yung mga panahon na kailangan ikaw naman ang intindihin. Di ka dapat laging pinaiiyak ng love mo. Kung mahal ka nya, alam nya kung paano nya mapapatahan ang iyong pag luha.

Ito lahat ng gusto mo di ba? Pero asan na yan? Nakilala mo na ba? May isang bagay kang hindi naisip sa Love. Sa Love kailangan mo laging masaktan. Importanteng mahal ka nung tao, pero alalahanin mong masasaktan ka rin pag nagmahal ka. Hindi laging maganda ang kalalabasan, hindi laging yung gusto mong mangyari yun lang. Ang love pa-iba iba. Ang love magulo ang utak kaya nasasaktan ang tao. Siguraduhin mo lang handa ka masaktan at umiyak pag nagmahal ka.

Siya pa rin ba yung love na hinahanap mo? Handa ka bang laging masaktan?

Martir ka nga.

No comments: