January 7, 2010

Lambing

Uupo na lang sa tabi
at tatahimik
Alam nang walang magagawa
Kahit mainis di
pwedeng magalit
Tampo ko'y aninag
sa mukha

Pilit umiwas kahit anong lapit
Anong kasalanan ba ang nagawa?
Ngiti ay di na pinapansin
Animo'y payaso na
Gusto lang ika'y patawanin

Titingala na lamang
at magdarasal sa
mga bituin
Sana'y marinig ang daing
Kahit minsan
ipakita mo naman
Miss ko lang ang iyong
lambing


No comments: