November 9, 2009

You (Ako Yun!)

YOU. Para sa'yo lang. Ang sarap pakinggan pag sinasabing "for YOU" o kaya naman "I miss YOU," at syempre walang tatalo sa "I love YOU."

Pag may YOU alam mong para sa'yo lang. Ikaw lang ang iniisip, ikaw lang ang kailangan. Wala nang ibang mahihiling pa kungdi ikaw lang. Kaya ang YOU dapat nandyan sa bawat pag bigkas. Okay yan, exclusive yung sinasabi na para sa'yo lang at hindi sa iba. Na ikaw ang dahilan bakit sya masaya, bakit nya naisip na nasaktan mo sya, bakit kay iniiyakan, bakit ikaw lang ang mamahalin ng taong yun. Kaya ingatan mo yung YOU. Lagi mong sabihin "It's YOU." Dahil ang YOU, ito na yung final. Wala nang susunod pa. Perfect combination sila ng period.

Nakakataba ng puso ang salitang yan. Alam mong ikaw lang at alang-alang sa'yo ang lahat ng sinasabi ng tao.

No comments: