September 22, 2009

Minsan

Minsan kailangan mo mag-tiis lalo na kapag nahihirapan ka pero alam mong maganda pa rin ang kalalabasan nito sa huli. Kailangan mo lang tiyagain ang bawat pagsubok na darating sa buhay mo dahil dun ka rin matututo kung ano ang gagawin mo sa susunod na mangyari ulit yun.

Minsan hindi lahat ng tao maniniwala sa sinasabi mo. Dahil mas madalas, niloloko mo lang ang sarili mo. Aminin na natin, kailangan gawan ng dahilan ang maraming bagay na nangyayari, pero kung magsisinungaling ka rin naman, siguraduhin mong alam mo ang sinasabi mo at gagawan mo rin ng paraan para makabawi ka.

Minsan may taong darating sa buhay mo para ma-inlove ka. Pero minsan din hindi mo sigurado kung totoo ba yung love na yun. Mahal mo nga yung tao pero ibang klase ng pagmamahal pala yung nararamdaman mo. Itanong mo muna kung ano nararamdaman nya bago ka magdesisyon na iwan ang taong yun. Baka naman ikaw yung nagkukulang, o baka naman pwede pa gawan ng paraan at kailangan nyo lang magbigayan at mag-usap.

Minsan pagsasabihan ka: ng magulang mo, ng kapatid mo, ng teacher mo, ng boss mo, o kaya naman ng ibang tao na hindi mo ka close. Wag mong ismolin yung mga sinasabi nila. Mas kilala mo nga ang sarili mo pero malay mo, meron silang napapansin sa'yo na hindi mo napapansin sa sarili mo. Likas talaga sa tao ang hindi pansinin ang sariling pagkakamali o pagtrato sa iba. Mag ingat ka pa rin at hindi mo alam kung sino nakakasangga mo.

Minsan naman kailangan mong matutong mag hintay. Lahat ng tao dumaraan sa ganyan. Maghintay ka lang at wag kang mainip. Darating din yun, kung sino man at ano man yun. Maghintay ka lang.

...pero kung alam mong wala ka nang pag-asa at mawawalan din ng saysay ang paghihintay mo, dapat matuto ka rin naman na bumitaw at iwan na yun. Hindi lahat ng bagay o tao kailangan mong hintayin. Hindi sila nakakaramdam na kailangan din naman pala nila balikan yung naghihintay sa kanila.

Minsan, magiging mag isa ka talaga. Hindi lahat ng tao magiging kasama mo, magiging kaibigan mo. Hindi lahat ng tao available. Magiging mag isa ka talaga. Pero isipin mo pa rin na hindi ka nag-iisa at may dahilan yun. Sinasabihan ka lang ng utak mo na mag usap naman kayo at magkalinawan. Di mo na kasi siguro napapansin yung mga nangyayari sa katawan mo at sa isipan mo. Kailangan mong mag solo upang makinig.

Ganyan talaga ang buhay: minsan nasasabihan, minsan naiiwanan, minsan nakakalimutan, minsan ginugulo ang isipan, minsan tinatamad, minsan tinatarayan, minsan walang kaibigan. Pero minsan din may darating na magpapangiti sa'yo.... yun... yun yung mas importante.

No comments: