March 19, 2008

Boss

Sino nga ba yung dapat tawagin na boss? Bakit nga ba kita tinatawag na boss? Hindi naman talaga ikaw yung boss ko (di hamak namang mas maganda boss ko sa'yo hehe). Pero nakakatuwang isipin na nagagawa kitang tawagin na ganun.

Ba't nakakatuwa? Feeling ko sasabihin mo nanaman ang mean ko sa'yo :P

Hindi naman. Siguro sabihin nating "term of endearment" yun. Nirerespeto kita kaya boss at sir ang tawag ko sa'yo. Siguro yung manner na lang ng pag sabi nun yung isipin mo hehe. Kasi hindi kita pwedeng tawagin sa ibang pangalan na alam mo pag may ibang tao, kaya boss o sir na lang muna tawag ko sa'yo.

Pati ibang tao na impluwensyahan ko na na tawagin kang ganun. Napagkakatuwaan na lang sya kaya wag ka sanang magagalit. Love ka rin naman nila at I'm sure natutuwa din sila sa'yo. Pag lumalabas tayo feeling ko talaga I'm surrounded with "glory". Feeling ko ang special special ko naman at nakakasama ko si boss :)  Siguro, hindi lahat ng tao nafi-feel yun. Yung andyan ka at ikaw yung "boss" namin. Madalas pa ngang hinahanap ka nila pag wala ka sa lakad. Oo, nakakamiss pag wala si "boss" :)

Siguro next time na yun na tatawagin kita sa ibang pangalan mo or tawag ko sa'yo, pag na feel mo na. For now, ikaw muna si boss :)

(wag kang magagalit. di kita inaasar. wala pa lang akong ibang maisip na isulat na para sa'yo :) next time, may maiisip pa akong mas maganda.)

2 comments:

Niki Yarte said...

hmm... isyu?!

Azy Salire said...

issue?? i don't see any issue nick! :D